Ni Carla N. Suñer, YES FM Boracay
Paunti-unti ang pagdating ng mga botante
mula sa iba’t ibang Barangay sa bayan ng Malay, para sa 2013 Brgy. Election.
Ayon kay Comelec Officer II Elma Cahilig,
mahigpit ang seguridad na ipanapatupad kaakibat ang BTAC ( Boracay Tourist
Assistance Center) upang mapanatili ang matiwasay na
halalan.
Samantala ang Barangay Balabag, ay may
tinatayang 16 na presinto kung saan may tinatayang aabot ng 300 na botante ang
inaasahang darating.
Ayon naman sa aming source, sa kasalukuyan
ay wala namang nangangailangan ng medical assistance o anumang komosyon ang
nagaganap, bagkus sinasabing halos patapos na ang botohan sa nasabing Barangay.
Sa Barangay Manoc-manoc naman ay may aabot
sa mahigit kumulang 8,800 voters, bagama’t sa tindi ng init ng panahon at haba
ng pila ay patuloy naman sa pag-usad ang dami ng nakapagboto.
Dagdag pa ni Cahilig, nawa’y bigyan ng
priroty ang mga nakakatatanda o mga senior citizens bagkus ang mas batang
botante ay may kapasidad na pumila ng matagal.
Ang bayan ng Malay naman ay halos patapos
narin kung saan isang presinto na lamang ang may bumuboto, bandang 11:00
ng umaga.
May nagaganap ring tension sa sinsasabing
bayan na may mga sinasabing kandidatong namimigay ng mga pagkain, kung saan
mahigpit itong ipinagbabawal.
Samantala, tensiyon naman ang naramdaman
ng mga kandidato ng Barangay Yapak sa kadahalinang may pumapasok di-umanong mga
kaduda-dudang mga kilos ng ibang mga botante.
Inaasahan namang matatapos ang halalan
bago o takdang alas tres ng hapon ngayong araw.
No comments:
Post a Comment