Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Kasabay ng Opening Salvo ng Ati-Atihan Festival
noong October 25, 2013, ay ang planong pagkakaroon ng Car Show sa panahon ng
Ati-Atihan Festival.
Ito ang pagpapakita ng ilang mga magagandang
sasakyan ng tatlong myembro ng mga Car Enthusiasts Organization sa probinsya ng
Aklan.
Sa inisyal na impormasyon kay Kalibo Sto. Niño
Ati-Atihan Foundation Inc. (KASAFI) Chairman Albert Meñez.
Matapos na nakibahagi sa Opening Salvo ang mga
nasabing sasakyan, plano naman ng mga itong lumarga sa mga itinakdang ruta bago
ang street dancing ng mga tribu sa Ati-Atihan kasama rin ang mga Body painting
Contestants.
Sa pakikipagtulungan umano ng KASAFI, plano ng mga
Car Organizations sa Aklan na gumawa ng Car and Motor Contest sa Enero 15, araw
ng Miyerkules kung saan gagawin naman sa Kalibo Pastrana Park.
Bukas naman daw ito sa mga Aklanon na nagmamay-ari
ng mga sasakyan at motor na maipakita ang iba’t-ibang lights and sounds,
accessories at mga customized modification.
Samantala, ito ang kauna-unahang Car Show sa
probinsya kung saan layunin umano nitong maipakita ang kakayahan ng mga Aklanon
na gumawa ng ganitong aktibidad.
Nabatid na iimbitahan din umano ang iba’t-ibang Car
Organizations sa Panay Island kabilang na ang mga guest kung saan pwede rin
nilang ipakita ang kanilang mga sasakyan.
No comments:
Post a Comment