Ni Carla N. Suñer, YES FM Boracay
2 lalaki ang huli sa akto matapos
di-umanong manguha at nangbaklas ng poster ng isang kandidato sa Barangay
Elections sa Brgy. Mobo Kalibo.
Dakong alas singko ng madaling araw
ay dumulog sa Kalibo PNP ang 2 Barangay Tanod na sina Michael Ferrer at
Glenn Pabelico, nang mamataang binabaklas nito ang poster ng isang kandidato.
Ayon say PO1 Jandel Delacruz, kinilala ang
mga suspect na sina Rojer Nagales at Marvin Mobo, kung saan nakipaghabulan
pa daw ang mga ito sa mga tanod na rumuronda bandang madaling araw kanina
sa nasabing lugar.
Sa kasalukuyan ay nakadetain ang 2 suspect
sa lock-up cell ng Kalibo, Police Station.
No comments:
Post a Comment