Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakahanda na ang Philippine Red Cross Boracay-Malay chapter kasama
ang kanilang mga volunteers para sa pagdiriwang ng undas bukas.
Ayon kay Red Cross Boracay Deputy Administration John
Patrick Moreno.
Maglalagay sila ng assistance center sa bawat sementeryo sa
isla ng Boracay at sa bayan ng Malay bukas, mula alas otso ng umaga hanggang
alas singko ng hapon.
May ambulansya din umanong ilalagay sa Manoc-manoc cemetery
sakaling magkaroon ng grabeng pasyente doon.
Nagpaalala naman ang PRC sa mga dadalaw sa puntod ng
kanilang mga mahal sa buhay na mag-ingat dahil sa maraming tao sa sementeryo kung
saan maaaring mahawa ng ibat-ibang sakit o di kaya ay mahimatay dahil sa tindi
ng init na maaaring maranasan bukas.
Ang oplan undas ng Red-cross ay taunang ginagawa para sa
paglilingkod sa mga taong pupunta sa himlayan ng kanilang mga mahal sa buhay sa
ibat-ibang lugar sa buong bansa.
No comments:
Post a Comment