Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Naghahanda na ang ibat-ibang stakeholders sa Malay at
Boracay para sa pagdating ng MS Aquarius sa Lunes sa karagatan ng Boracay.
Sa katunayan magkakaroon ng meeting mamayang hapon ang
mga stakeholders at ilang pang concerns agencies para dito.
Pangungunahan naman ito ng government officials ng Aklan
at ng Caticlan Jetty Port Administration office.
Bagamat nito lamang Oktobre ay dumating din ang MS
Superstar Gemini sa Boracay ay ganoon parin ang inaasahang paghahanda ng mga
ito para sa MS Aquarius.
Ayon naman sa Jetty Port Administration office, higit na mas
mahalaga ang siguridad ng mga sakay na turista ng cruise ship na pupunta sa
Boracay.
Samantala, ang MS Superstar Aquarius ay pagmamay-ari ng
Star cruises company at ini-organisa naman ng Wallem Philippines ang pagpunta
nito sa ibat-ibang lugar sa bansa kabilang na ang Boracay.
Nabatid na ilang oras lamang ang itatagal ng MS Aquarius
sa Nobyembre a-kwatro sa Boracay at agad din itong aalis para pumunta sa
ibat-ibang bansa.
No comments:
Post a Comment