Kalaboso ang dalawang lalaki sa isla ng Boracay matapos
mahuling nagtutulak ng droga sa magkaibang operasyon ng mga otoridad nitong
nakaraang araw.
Sa pinagsamang pwersa ng Philippine Drug Enforcement
Agency (PDEA), Provincial Intelligence Branch Operative (PIBO), Police Regional
Office (PRO)-6 at Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) nahuli ang suspek na
si Ronnie Diamante, 49, residente nang Sorsogon at presenteng naka-tira sa
Brgy. Balabag sa isla.
Inaresto ng mga otoridad ang suspek ng aktong binintahan
ang isang poseur-buyer.
Sa ginawa namang body search sa kaniya ay nakuha pa ang
dalawang sachet ng shabu at isang libong marked money.
Samantala sa isa pang ginawang operasyon na-aresto naman
si Alvin Gelito, residente nang Brgy. Manoc-Manoc Boracay na nakuhaan ng anim na
plastic sachet ng shabu sa pamamagitan ng warrant of arrest.
Ang dalawang suspetsado ay nahaharap sa kasong paglabag sa
RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
No comments:
Post a Comment