Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ramdam na talaga sa Boracay ang paggunita sa araw ng mga
kaluluwa o All Souls’ Day.
Maliban kasi sa mga nakakatakot na palamuti ng mga resort
at establisemyento sa Boracay.
Umeksena na rin ang iba’t-ibang Halloween customes na
siguradong patok para sa nga turista, mapa bata man o matanda.
Katunayan, may mga naglalako na ng samu’t-saring maskara
sa mismong beach front ng isla nitong mga nagdaang gabi.
Nakakatakot, dahil mismong ang mga naglalako nito ang
nakasuot din ng maskara.
Maliban sa mga maskara, tampok din sa ilang souvenir
shops ang Halloween buckets, witch hats, wizard hats, pirates hat, Halloween T-shirts
at mga super hero customes.
Inaasahan namang sa mga susunod na gabi hanggang sa a uno
ng Nobyembre, rarampa at gagala sa beach front ang mga turista at party lovers
sa isla na suot ang mga nasabing customes.
No comments:
Post a Comment