Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Kasado na ang taunang “Oplan Undas” ng Bureau of
Fire Protection (BFP) Boracay at Malay kaugnay sa paggunita sa araw ng mga
patay.
Ayon kay Boracay Fire Insp. Joseph Cadag, matapos
nilang matanggap ang kautusan noong October 23 ay tinutukan na nila ang mga
araw mula October 31 hanggang November 4.
Kaugnay nito, maglalagay ang BFP ng mga
emergency medical service personnel sa bawat sementeryo at mag-iikot din ang
kanilang mga fire track para sa kanilang “Oplan Paalala”.
Ito’y upang paalalahanan ang publiko na bantayan
ang mga nakatirik na kandila sa sementeryo at siguraduhing naka-switch off
lahat ng mga electrical appliances kapag lalabas ng bahay upang maiwasan ang
sunog.
Madalas daw kasi na kapag aalis ng bahay ang mga
tao ay nakakalimutang patayin ang kanilang mga kagamitan at electrical system
lalo na ang mga LPG.
Ayon pa kay Cadag, ngayon palang ay marami nang
mag-anak ang bumibisita sa sementeryo kaya’t pinaigting na rin umano nila ang
paghahanda para sa nalalapit na undas.
No comments:
Post a Comment