Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay
Tuloy na ang nakatakdang pag-gawad ng COC or Certificate
of Compliance na inorganisa ng Redevolpment Task Force sa darating na Nobyembre
a-singko taong kasalukuyan.
Dito ay gagawaran ng task force ang mga establisyementong
nag-comply sa 60-day period para mag self-correct ng kanilang mga paglabag sa
25+5 easement.
Nitong nakaraang buwan lamang, umabot na umano sa 80% ang
tumugon sa hiling ng task force at inaasahan naman na tataas ito sa pagsapit ng
awarding dahil sa isinagawang operasyon kahapon.
Ilan sa mga binaklas kahapon ay ang Sand Bar sa station 1
Balabag na may malawak na tent area.
Inaasahan naman na magtutuloy-tuloy ang operasyon ng task
force pagkatapos ng gagawing pag-award
ng Certificate of Compliance dahil sa meron na itong kinontrata para sa
pagbabaklas at pag-giba ng mga lumabag sa easement.
Ang awarding of Certificate of Compliance ay inaasahang
dadaluhan ng representante mula sa opisina ni Tourism Secretary Jimenez at ng
mga bumubuo sa Redevelopment Task Force at Technical Working Group ng palasyo.
No comments:
Post a Comment