Ni Jay-Ar M. Arante, YES FM Boracay
Ayon sa Malay PNP nag-deploy na sila ng mga kapulisan sa Caticlan
cemetery at Poblacion Malay kabilang na sa dalawang sementeryo sa isla ng
Boracay.
Nabatid na kahapon palang ay nakatutok na ang mga pulis sa
mga sementeryo sa nasabing lugar para magbantay sa mga taong bibisita sa
kanilang mahal sa buhay.
Kasabay nito, nakatotok din sila sa gagawing siguridad sa mga
jetty port dahil sa posibleng pagdami ng mga turistang uuwi at pupuntang
Boracay.
Magkakaroon naman ng checkpoint ang mga pulis bukas sa ilang
pangunahing kalsadahin sa isla ng Boracay at sa bayan ng Malay.
Samantala, mahigpit na ipinagbabawal ng mga kapulisan ang
pagdala ng mga matutulis na bagay sa mismong araw ng undas sa mga sementeryo na
maaaring makapatay ng tao.
Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagdadala ng mga radyo,
baraha at ilan pang mga bagay na walang kinalaman sa pagdiriwang ng undas.
No comments:
Post a Comment