Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ito ang target ng LGU Malay kaugnay
sa gaganaping AGCEF o Asian Games Centennial Festival sa Boracay.
Kaugnay nito, nagbigay ng dalawang
araw na orientation seminar ang Malay Tourism Office sa mga enforcers at first
responders sa isla.
Dumalo sa nasabing aktibidad ang
mga miyembro ng BAG o Boracay Action Group, iba’t-ibang asosasyon sa Malay at
Boracay katulad ng BLTMPC, MABOVEN,at MASBOI.
Ayon kay Malay Chief Tourism
Operations Officer Felix delos Santos Jr, kailangang ibahagi sa mga enforcers
at first responders ang Tourism standards and protocol upang matiyak ang
kaligtasan ng mga turista at mapangalagaan ang turismo ng Boracay.
Maliban sa AGCEF, bahagi din ng
paghahanda ng mga enforcers at responders ang iba pang international at
national events dito.
No comments:
Post a Comment