Ni Gloria Villas,
YES FM Boracay
Aprobado
na ang resolusyon sa Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan na humihiling kay
Aklan Gov. Florencio “Joeben” Miraflores na magpapadala ng tulong sa mga naging
biktima ng 7.2 magnitude na lindol.
Sa
nilalaman ng nasabing resolusyon, layunin nitong magpadala ng financial
assistance kung saan makakatulong rin umano ang ilang mga pribadong sector sa
nangyaring kalamidad sa Central Visayas noong October 15, 2013.
Samantala,
ayon naman sa National Disater Risk and Reduction Management Council (NDRRMC),
tinatayang nasa P1.6 billion na ang halaga ng pinsala ng kalamidad kung saan
pinakamalaki ay naitala sa lalawigan ng Bohol na sentro ng pagyanig.
Magugunitang
nasa 44,430 bahay ang napinsala kung saan 12,503 dito ang tuluyang nawasak.
No comments:
Post a Comment