Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nalinis na ang mga basurang iniwan ng mga botante sa ginanap
na halalan kahapon sa ibat-ibang paaralan sa bayan ng Malay.
Ayon kay Malay Comelec Officer Elma Cahilig, habang patapos
palang kahapon ang eleksyon ay agad nang nilinis ng ilang mga botante at
residente ang mga kumalat na basura.
Aniya, mayroong mga paaralan sa Malay na may nakalagay na
babala na huwag ikalat ang kanilang mga basura sa oras ng halalan.
Responsibilidad na rin umano ito ng paaralan na
panatilihing malinis ang kanilang mga silid –aralan.
Dagdag pa ni Cahilig, ang mga campaign materials naman na
ginamit sa pangangampanya ay responsibilad rin na linisin ng mga tumakbong
kandidato sa baranggay election kahapon.
Samantala, naging matagumpay naman ang naganap na halalan
ngayon sa bayan ng Malay at wala namang naitalang problema at insidente na may
kinalaman sa eleksyon kahapon.
No comments:
Post a Comment