Posted
November 8, 2014
Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Naging
usap-usapan sa isla ng kapwa nito mga tricycle driver ang katapatan ni Elizaldy
Lagunday, 46 anyos ng IloIlo City at ngayon ay nanunuluyan sa Boracay.
Ito’y matapos
siyang magsauli ng perang nagkakalahalaga ng P3.5 milyon mula sa dalawang Korean
National na sumakay sa kanya noong Linggo ng gabe Nobyembre 2.
Dahil sa ginawa
nito umani siya ng paghanga na talaga namang ipinagmamalaki ng kanyang pamilya
at ng buong isla ng Boracay.
Sa naging panayam
ng YES FM Boracay kay Lagunday hindi niya umano sukat akalain na ang naiwang
bag ng dalawang Koreana sa kanyang sasakyan ay naglalaman ng ganung kalaking
halaga ng pera at dalawang cellphone.
Samantala, hindi
naman umano sumagi sa kanyang isip na itakas ito dahil may takot umano siya sa Diyos at pag-aalala sa may ari ng nasabing bag.
Nabatid na agad
niya itong dinala sa Boracay PNP Station at doon ay naabutan niya ang Koreanang
nag mamay-ari nito kung saan niyakap umano siya nito dahil sa sobrang tuwa
kasabay ng pagbigay ng pabuya sa kanya.
Napag-alaman na makailang
beses na ring nagsauli sa mga pasahero ng mga naiiwan sa kanyang tricycle sa
Lagunday sa pamamagitan ng himpilang ito.
Samantala, matapos ang pangyayari ay ipinatawag naman siya ng Boracay Land Transport Multi Purpose Cooperative para bigyang parangal ang naging katapan ng kanilang miyembro.
No comments:
Post a Comment