Posted November 3, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Magkakaroon muli ng “Festival of the Winds” ang
Philippine Red Cross (PRC) sa isla ng Boracay.
Ayon kay Philippine Red Cross Boracay-Malay Chapter
Administrator Marlo Schoenenberger, gaganapin ito sa isla sa ikatlong
pagkakataon sa November 14-16 ng Boracay.
Tampok sa dalawang na araw na aktibidad ang pagkakaroon
ng Junior at Senior Life Guarding, Lantern Parade, Ocean Swim & Adventure
Run, at Paraw Regatta.
Magkakaroon din ng under water clean-up na pangungunahan
ng mga taga-BASS o Boracay Association of Scuba School.
Samantala, ang nasabing aktibidad ay sa pakikipagtulungan
din ng lokal na pamahalaan ng Malay, Department of Tourism (DOT) at iba pang
pribadong sector.
No comments:
Post a Comment