Posted November 7, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tila bahagyang bumaba ang naitalang tourist arrival sa
Boracay ngayong nakaraang Undas kumpara noong nakaraang taong 2013
Ito ay base sa tala ng Municipal Tourism Office (Mtour)
Malay nitong November 1 bilang All Saints Day at November 2 Alls Souls Day.
Napag-alaman na umabot lamang sa 3, 129 ang tourist
arrival nitong Nobyembre 1 na may local tourist na 1, 587, foreign na 1, 506 at
OFW na 36.
Habang nitong Nobyembre 2 ay nakapagtala lamang sila ng tig-1,
492 na local at foreign tourist at OFW na 72 na may kabuuang bilang na 3, 056.
Sa kabila nito naitala din nila ang mataas na bilang
noong desperas ng Undas na may kabuuang bilang na 4, 111 sa loob lamang ng
isang araw kung saan pinangungunahan ito ng mga Pinoy.
Bagamat mababa ang bilang kumpara noong nakaraang taong
2013 isa sa nakikitang dahilan ng Mtour ay dahil sa pumatak ang Undas sa araw
ng Sabado at Linggo dahilan na siyang hindi pagkakaroon ng long week end.
Samantala, ang isla ng Boracay ay taon-taong dinadayo ng
mga turista lalo na sa mismong araw ng Undas dahil sa pagkakaroon ng ibat-ibang
Halloween Party sa sikat na white beach area.
No comments:
Post a Comment