Posted November 4, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Sa kulungan na muna ng Boracay PNP natulog ang isang
bading matapos maaresto dahil sa kasong pagnanakaw.
Ayon sa police report, sinundan ng dalawang bading ang
turistang naglalakad sa beach front kaninang madaling araw at inalok na maging
kustomer.
Subali’t napansin umano ng turista na mina-maneobra ng
isa sa dalawang bading ang laman ng kanyang bag, bagay na nagpasaklolo ito sa
security guard sa lugar.
Kaagad namang inaresto at isinuko ng guwardiya sa mga
pulis ang bading habang ipinagkatiwala sa DSWD o Department of Social Welfare
and Development office ang kasama nito na isa umanong minor de edad na lady boy.
No comments:
Post a Comment