YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, November 06, 2014

LGU Malay humiling ng financial assistance sa DOT para sa APEC 2015 inspection sa Boracay

Posted November 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Napag-usapan nitong Martes sa SB Session ng Malay ang isang resolusyon na nagbibigay otoridad sa municipal mayor na pumasok sa isang Memorandum of Agreement (MOA).

Ito ay sa pagitan ng Department of Tourism (DOT) Region IV para sa pag-papalabas ng pinansyal na tulong o gastos sa panahon ng pag-inspeksyon ng 2015 APEC Team sa isla ng Boracay.

Nabatid na bilang paghahanda sa APEC Summit 2015 ay kinakailangan ng Local Government Unit ng Malay na sanayin ang mga tourism frontlines sa Boracay at mainland Malay pagdating sa pagpapaganda ng kalidad ng serbisyo at pag-papaunlad pa ng kanilang kakayahan.

Napag-alaman din na ang Department of Tourism ay kinakailangang magbigay ng financial technical assistance, training at iba pang capability measures sa LGU gayon din ang pag-tulong sa LGU-Malay sa paghahanda sa implementasyon at monitoring ng tourism development plans at program lalo na sa APEC 2015 Forum.

Samantala, ang usaping ito ay patuloy paring gumugulong sa Sangguniang Bayan ng Malay hanggang sa ito ay maaprobahan ng Local Body.

No comments:

Post a Comment