YES THE BEST 911 BORACAY

Sunday, November 02, 2014

SAGU Chief PSupt. Carganillo, ikinadismaya ang iba’t-ibang uniporme ng mga security guard sa Boracay

Posted October 31, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Ikinadismaya ni SAGU o Security Agency Chief PSupt. Condrado Carganillo ang iba’t-ibang uniporme ng mga security guard sa Boracay.

Sa ginanap na consultative meeting kahapon kasama ang mga security agencies at operators sa isla, sinabi ni Carganillo na marami na itong natatanggap na reklamo tungkol sa uniporme ng mga security guards.

Napagkakamalan na umano kasi ng mga turista na pulis ang isang sekyu dahil sa uniporme nitong ginaya sa uniporme ng Boracay PNP.

Maliban dito, may mga security agency din umano dito na pinasusuot ng Barong Tagalog ang kanilang mga guwardiya.

Ayon pa kay Carganillo, nagpapakita lamang ito na walang pagkakaisa ang mga security agencies sa isla kung kaya’t iminungkahi nitong magkaroon ng iisang klase ng uniporme ang mga security guards sa Boracay.

Samantala, idinaan naman sa botohan ang magiging opisyal na uniporme ng mga guwardiya kung saan itim ang kanilang magiging bull cap, gray an t-shirt, itim ang short pants at rubber shoes, kulay gold ang name cloth at pangalan ng kanilang agency.

Binigyan naman ni Carganillo ng tatlong buwan ang mga nasabing ahensya at operators upang ipatupad ang napagkasunduang uniporme.

No comments:

Post a Comment