Posted November 4, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Base sa record ng DOT-Boracay Sub-Office, 769 ang
kabuuang pasahero ng barko na pinangungunahan ng Hong Kong.
Lulan din ng MS Super Star Aquarius ang 1,051 na crew na
may 657 Non-Philippine Crew at 394 Philippine Crew.
Kinumpirma naman ni Jetty Port Administrator Niven
Maquirang na pangatlong beses nang pabalik-balik ang nasabing barko sa isla ng
Boracay.
Samantala, muli ring pinaghandaan ng mga taga Philippine
Coastguard, Maritime Police, DOT-Boracay at iba pang ahensya ang pagdating ng
barko sa isla na unang dumating sa Hong Kong kahapon, November 4-5 sa Manila,
at November 6 naman sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment