Posted November 6, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Nagpapatuloy parin sa ngayon ang road setback
clearing operation ng MPDO o Municipal Planning and Development Office.
Kaugnay ito sa Municipal Ordinance No. 2000-131 na
sinumulang ipatupad sa Barangay Manoc-manoc nitong nakaraang Martes.
Ayon sa MPDO, nasa mahigit 300 na ang mga
establisemyento doon ang nabigyan ng notice of violation.
Nakasaad naman sa notice of violation na may sampung
araw pa ang mga establisemyento upang boluntaryong tanggalin ang kanilang mga
istrakturang lumabag sa ordinansa.
Ipapatanggal din umano ito ng munisipyo sakaling
walang mangyayaring voluntary compliance, nguni’t ang mga nasabing
establisemyento ang magbabayad sa magagastos ng pagpapademolish.
Sa kabilang banda, sinabi ni MPDO/Zoning
Administrator Alma Beleherdo sa kanyang text message sa himpilang ito na nais
niyang magpaabot ng pasasalamat sa mga positibong tumugon sa kanilang
ipinapatupad na ordinansa.
No comments:
Post a Comment