Posted November 6, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Arestado kagabi sa isla ng Boracay ang isang
project engineer na may kasong estafa sa syudad ng Iloilo.
Ayon sa report ng Boracay PNP, matapos isagawa ang
joint operation ng BTAC at Iloilo Police Provincial Office Intel Section.
Naaresto ang akusado na kinilalang si Brian Zuñiga,
31 anyos ng Brgy. Sapao, Dumangas, Iloilo at kasalukuyang naninirahan sa So.
Manggayad Brgy. Balabag Boracay.
Nabatid sa police blotter na si Zuñiga ay may
kasong estafa na ibinaba ni Hon. Victorino Maniba, Jr., presiding judge ng RTC
6th Judicial Region, Branch 39 sa syudad ng Iloilo.
Samantala, matapos isagawa ang medical check-up sa
Boracay Hospital, kasalukuyan namang nasa kustodiya ng BTAC si Zuñiga para sa
kaukulang disposisyon.
No comments:
Post a Comment