Posted November 7, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nauwi sa pagtatalo ang ilegal na pagtitinda ng isang
vendor sa front beach ng Boracay Station 2 kaninang umaga.
Personal na dumalog sa tanggapan ng Boracay PNP ang nagrereklamong
si Jeffrey Castro, 40-anyos ng Sitio. Manggayad, Brgy. Balabag Boracay, Malay,
Aklan para ireklamo si Teodorico Talaver, 27-anyos ng Bacolod City.
Nabatid sa blotter report ng Boracay PNP Station na
habang nasa kanyang duty bilang lifeguard si Castro ay napansin niya itong si
Talaver na ilegal na nagbibinta ng miniature religious carving o mas kilala sa
tawag na Santo.
Dahil dito sinaway niya umano ng dalawang beses ang vendor
na itigil na ang ginagawa nito subalit binaliwala lang siya kasabay ng pagiging
arogante.
Bagamat hindi niya napigilan ang suspek ay kinumpiska naman
nito ang kanyang bag na may lamang miniature religious carving ngunit agad niya
itong binawi.
Sa kabila ng kanilang pagtatalo nasira naman ang
cellphone ni Castro kung saan sinabi din nito na bilang lifeguard sa ilalim ng
Local Government Unit ng Malay ay may karapatan silang e-regulate at pigilan
ang mga ilegal na vendor sa front beach ng Boracay.
Samantala, dahil sa ginawa ng suspek ay inisyuhan siya ng
citation sa paglabag sa Municipal Ordinance No. 132-2000, regulation of
activities along the beach, Municipal Ordinance 181-2002 (Regulation on the
Activities of Vendors and Peddlers) No Mayor’s Permit at Municipal Ordinance
96-97 o illegal vending.
Sa ngayon pansamantalang nasa kustudiya ng Boracay Tourist
Assistance Center (BTAC) ang nasabing suspek matapos maipaabot sa kanya ang kanyang
mga nilabag.
No comments:
Post a Comment