YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, November 04, 2014

Tangke ng motorsiklo sa Boracay, ninakaw

Posted November 4, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

‘Bad trip’ si Aleng Maricar Yasa pagkagising nito kaninang umaga.

Ninakaw umano kasi ang tangke ng kanilang motorsiklong Motoposh Pinoy 125 sa mismong bakuran ng kanilang bahay sa Sitio Bantud, Barangay Manoc-manoc, Boracay, bagay na ipina-blotter nito sa Boracay PNP Station.

Ayon pa kay Aleng Maricar, maaaring kaninang madaling araw lang ninakaw ang kanilang motorsiklo at dinala sa isang compound sa kabilang kalye.

Doon din umano kinalas ang tangke nito at iniwan ang katawan.

Dismayado naman ang mga pulis at si Aleng Maricar dahil wala man lang ni isang residente sa lugar ang nakapansing may nagdala doon sa nasabing motorsiklo.

Samantala, nabatid mula sa Boracay PNP na may ilang kaso na rin ng pagnanakaw ng motorsiklo ang naitala nitong mga nakaraang buwan.

No comments:

Post a Comment