Posted November 8, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Kaagad na nagsumbong sa mga pulis ang isang 32
anyos na babaeng empleyado ng Bureau of Immigration matapos na umano’y tinakot
at tinutukan ng baril sa Boracay.
Sumbong ng biktima sa BTAC, nakatayo ito sa terrace
ng kanyang boarding house sa Sitio Tulubhan Manoc-Manoc Boracay nang tinawag
umano ng 29 anyos na lasing na suspek at tila binabastos.
Subalit, hindi umano ito pinansin ng biktima sa
halip ay pumasok ito sa loob at naligo.
Ilang sandali pa ay sinabihan na umano ito ng
kanyang ka-boardmate na nangbubulahaw ang nasabing lalaki at may dalang hindi
matukoy na baril.
Sa paglabas umano ng biktima ay nananakot na umano
ito at nagsasabing alam nya na lahat ng nakatira sa nasabing boarding house ay
puro mga babae at kaya din di umano nitong bilhin ang kanyang buhay.
Samantala, sa pag-responde naman ng mga pulis sa
lugar ay hindi na naabutan ang nasabing suspek.
No comments:
Post a Comment