YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, November 05, 2014

Bata nahagip ng motorsiklo sa Boracay

Posted November 5, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Kaagad isinugod sa pagamutan ang isang batang babae matapos mahagip ng motorsiklo sa Sitio Tulubhan, Barangay Manoc-manoc, Boracay kahapon.

Ayon sa report ng Boracay PNP, bigla na lamang pinatakbo ng mabilis ng 31 anyos na si Alan Maming ng nasabing barangay ang kanyang Honda XRM na motorsiklo nang mahagip nito ang biktima sa gilid ng kalsada.

Minarapat naman ng pamilya ng bata na ipa-blotter sa Boracay PNP Station ang insidente kung saan nagkasundo umano ang mga ito at ang drayber tungkol sa pagpapagamot sa biktima.

No comments:

Post a Comment