Posted November 3, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sasailalim ngayong araw sa committee hearing ang
municipal ordinance No. 313 series of 2012 para sa operasyon ng local and
foreign tourguide sa isla ng Boracay.
Ito ang napagkasunduan ng Sangguniang Bayan (SB) Malay matapos
itong talakayin sa committee report na pinangunahan ni SB Member Rowen Aguirre.
Base sa nakapaloob sa committee report ni Aguirre
magkakaroon ng ordinance setting guidelines para ma-regulate ang operasyon ng
local at foreign tourguides kasama na ang mga coordinators at tourist escorts
sa munisipalidad ng Malay.
Kasama naman sa mga iimbitahan sa nasabing hearing ay ang
Tourguide Association, Presidente ng Korean, Taiwanese at Chinese Tourguide
kabilang na ang municipal tourism office.
Nabatid na ang Committee hearing na ito ay iminungkahi ni
ABC President Abruam Sualog para mapag-usapan ang lahat ng problema ng mga
tourguide sa Boracay.
No comments:
Post a Comment