YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, November 05, 2014

Reclamation Project ng Pook Ecological Tourism Development Project, muling pinag-usapan sa SP Aklan

Posted November 5, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Muling tinalakay sa 38th SP Regular Session kaninang umaga ang 10-Hectare Reclamation Project ng Pook Ecological Tourism Development Project.

Kaugnay nito, ipinatawag ng konseho para sa isang pagpupulong sina PPD Coordinator-PPDO Engr. Roger Esto, Provincial Legal Officer Engr. Edelzon Magalit, Provincial Engineer Engr. John Kenneth Almabis, AKENRO at Jetty Port Administrator Nieven Maquirang.

Nabatid na ang 10-Hectare Reclamation Project ng Pook Ecological Tourism Development Project ay ipinanukala ni dating Gov. Carlito Marquez , kung saan pinayagan ang dating gobernador ng SP Aklan na mag-sumite ng aplikasyon sa Philippine Reclamation Authority na mag-reclaim ng 10 hectares sa shoreline ng Barangay Pook sa bayan ng Kalibo.

Isa umano ito sa mga mekanismo ng Pook Ecological Tourism Development Project, na syang magiging alternatibong daanan papunta ng Boracay lalo na sa mga turistang nanggagaling sa Kalibo International Airport (KIA).

Samantala, ipinasa ang nasabing panukala sa pamamagitan ng Resolution No. 2012-299 sa 38th SP Regular Session noong November 7, 2012.

No comments:

Post a Comment