YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, November 06, 2014

Korean National na wala sa katinuan, nagpakalat-kalat sa Boracay na maraming pasa sa katawan

Posted November 6, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Wala sa kanyang tamang katinuan at pag-iisip ang isang Korean National na natagpuan na palakad-lakad sa mainroad ng Brgy. Balabag Boracay kaninang madaling araw.

Sa blotter report ng Boracay PNP, kinilala ang Koryanang si Lee Gyeong Mi, nasa legal age at residente ng Kumyung Billa, Minrak, Sooyoung, Busan South Korea.

Nabatid na isang concerned citizen ang lumapit sa kapulisan para ituro na merong babaeng Korean National na wala sa wastong pag-iisip na nakatayo sa harap ng isang supermarket sa Balabag.

Nang tanungin ng mga pulis ang pagkakakilanlan nito ay hindi ito sumasagot at tila balisa sa sarili kung kayat nag-desisyon ang mga ito na dalhin nalang ANG kOREAsa kanilang tanggapan para sa kanyang seguridad.

Dito rin nadiskobre ng mga pulis na mayroon itong mga pasa sa ibat-ibang katawan at ang mga natuyong dugo dahilan para agad na isugod sa pinakamalapit na pagmutan.

Napag-alaman na ito ay pansamantalang nanunuluyan sa isang resort sa Sitio. Bolabag, Brgy. Balabag base na rin sa kumpirmasyon ng may-ari ng resort.

Sa ngayon pansamantala muna itong nasa pangangalaga ng kanyang tinutuluyan hanggang sa bumalik ang maaayos na kondisyon nito kasabay ng patuloy na embistigasyon ng mga pulis sa pinagmulan ng kanyang mga pasa sa katawan.

No comments:

Post a Comment