YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, November 05, 2014

Lalaking nagmamaneho ng motorsiklo, naaksidente sa Barangay Balabag

Posted November 5, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Basag at natanggal ang head light, maliban sa nabali ang side mirror ng isang Suzuki motorcycle.

Subali’t ang mas masaklap, duguan ang driver nito matapos sumemplang sa Barangay Balabag mainroad dakung alas 3:00 kaninang madaling araw.

Ayon sa report ng Boracay PNP, mabilis ang pagpapatakbo ng hindi pa nakikilalang biktima ng kanyang minamanehong motorsiklo, habang binabaybay ang kurbada ng kalsada.

Dahil dito, nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang biktima, umakyat sa gutter ng kalsada at sumemplang.

Tumama din umano ang ulo nito doon sa pader at nagpagulong-gulong.

Kaagad namang pinagtulungan ng ilang residente sa lugar na isugod sa ospital ang biktima.

Samantala, bagama’t natuklasan ng mga pulis na nakarehistro sa pangalan ni kay Marc June Malificiar ng Ambolong, Manoc-manoc, Boracay ang nasabing motorsiklo, duda parin ang mga ito kung siya din mismo ang biktimang drayber.

Kaugnay nito, patuloy naman ang kanilang imbistigasyon at paghahanap sa pamilya ng biktima.

No comments:

Post a Comment