Posted September 10, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Dinala na kahapon sa bayan ng Kalibo ang Top 1 Most
Wanted person sa Capiz matapos maaresto sa Boracay nitong Sabado.
Nakilala sa blotter report ng Boracay PNP ang
suspek na si Arnold Masbaño, 37 anyos ng Tacas Pontevedra Capiz.
Nabatid sa report ng mga pulis na papaalis na ang
suspek sakay ng isang motorbanca sa Tambisaan Port, Brgy. Manoc-Manoc Boracay alas
nueve ng umaga nitong Sabado nang maabutan ng mga pulis.
Kasong murder ang kinakaharap ng akusado na inisyu
ng 6th Judicial Region, Branch 2 ng Roxas City Capiz noong October
2010.
No comments:
Post a Comment