Posted September 12, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ayon kay Yapak Elementary School OIC George
Supranes, maganda ang ipinakita ng mga mag-aaral dahil masaya nilang pinakingan
ang mga itinuro sa fire drill tungkol sa kung ano ang gagawin kung may lindol.
Katulad na lang halimbawa ng paglalagay ng kamay sa
ulo at paghawak sa mga matitibay na bagay upang mapangalagaan ang sarili.
Subali’t nabatid na isinailalaim muna sa
orientation ang mga bata bago ang fire drill.
Samantala, naging masaya din ang mga magulang ng
mga bata dahil naturuan sila kung paano mailigtas ang sarili kapag may lindol.
Pinangunahan naman ng Bureau of Fire Boracay at DILG
Malay ang nasabing fire drill.
No comments:
Post a Comment