Posted September 11, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Sumikip ang daloy ng trapiko sa harap ng Boracay
Hospital kaninang umaga.
Dahil ito sa mga miyembro ng BAG o Boracay Action
Group na tumulong sa paglilinis ng baradong drainage doon.
Dakung alas 8:00 ng umaga kanina nang sinimulang
bombahin ng tubig ng mga taga Bureau of Fire Boracay ang drainage kung kaya’t
naging madali ang pagkuha ng bumabarang dumi at latak.
Nagsalitan naman sa pagkuha at paghakot ng
saku-sakong latak ang mga miyembro ng BAG katulad ng Philippine Coast Guard,
Coast Guard Auxiliary, Kabalikat CIVICOM, PARDSS, at BSWAT.
Dahil dito muling naging normal ang daloy ng tubig
sa drainage matapos itong linisin kanina.
Magugunitang ininspeksyon din at nilinis ng mga
taga BRTF at BIWC ang drainage nitong nakaraang Sabado.
No comments:
Post a Comment