Posted September 11, 2014
Ni Bert Dalida, Yes FM Boracay
Kaya naman naging dismayado si Boracay Island Chief
Operations Officer Glenn Sacapaño sa TIEZA o Tourism Infrastructure and
Enterprise Zone Authority.
Matagal na rin umano kasing naglinis o drainage declogging
ang contractor ng TIEZA, subali’t nagtataka din ito kung bakit makapal na at
tumigas ang latak na nakuha nila kanina.
Bagama’t aminado si Sacapaño na hindi na hindi trabaho
ng contractor ang paglilinis ng drainage, subali’t nagtataka din umano ito kung
bakit tila hindi namonitor ng TIEZA ang trabaho ng nasabing contractor nila.
Dahil dito, sinabi pa ng administrador na ilalatag
nila sa TIEZA ang resulta ng kanilang paglilinis sa nasabing drainage.
Samantala, nagpayahag din kanina ng pagkadismaya
tungkol dito si mismong Boracay Foundation Inc. President Jony Salme.
No comments:
Post a Comment