Posted September 12, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito ang sinabi ni Brgy. Balabag Boracay Secretary
Donila Bindolo, kung saan karamihan naman umano rito ay naaayos habang ang iba
naman ay itinutuloy ang kaso.
Anya, isa din sa mga dahilan kung bakit hindi na
naitutuloy ang settlement ay dahil sa nakaalis na ang inirereklamo o
nagrereklamo, lalo na kapag nagbabakasyon lamang sa isla.
Samantala, una namang nabatid sa mga blotter report
ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) na isa sa mga may pinakamaraming
kaso na isinasangguni sa barangay ang Balabag.
Sinabi pa ng Barangay Secretary na patuloy ang
kanilang isinasagawang programa upang mapanatili ang “peace and order” sa
Barangay, subalit sadyang may mga ilan lang talagang pasaway.
No comments:
Post a Comment