Posted
September 11, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
May sulutan paring nangyayari sa presyo ng sea sports at water sports
sa Boracay.
Ito ang kinumpirma ng ilang sea sports at water sports operators sa
isla sa kabila ng pagkakaroon na nila ng unified rates at selling area.
Ayon sa isang hindi na pinangalanang sea sport operator, nangyayari ang
sulutan sa loob mismo ng kanilang asosasyon kung kaya’t tila ‘wa epek’ parin
ang kanilang napagkasunduang presyo.
Wala din kasi aniya silang magagawa dahil natural lamang na sa
nag-aalok ng mas murang presyo ang mga turista.
Maliban dito, aminado rin umano sila sa patuloy na pang-aalok ng mga
illegal na komisyoner sa kabila ng pagbabawal ng LGU Malay.
Samantala, patuloy parin umano nilang hinihintay na matapos ang
kanilang MOA o Memorandum of Agreement mula sa BRTF o Boracay Redevelopment
Task Force upang matuldukan na ang kanilang problema.
No comments:
Post a Comment