Posted September 9, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito’y sa sandaling maaprobahan sa SB Session ng Malay ang
kanilang proposed increase sa fees/rates ng Laboratory services.
Nabatid na humiling ang MHO na magpataas ng singil
tungkol dito para lalong mapaganda at mapabilis ang paglabas ng resulta ng
isinagawang Test.
Ayon naman kay SB Member Rowen Aguirre nagkaroon na umano
sila ng public hearing tungkol dito kung saan sinabi nito na rasonable din ang
presyo nito kumpara sa mga Laboratory fees ng mga pribadong klinika sa Boracay.
Napag-alaman na magbibigay rin sila ng 20 percent
discount para sa mga government at Brgy. Employees ng bayan ng Malay basta’t
may maipapakita lamang silang valid ID.
Sa kabila nito, tila bukas naman ang SB Malay na
maaprobahan ang nasabing proposed increase sa fees/rates ng Laboratory services
ng MHO.
Samantala, sa sandaling maaprobahan ito ay inaasahang
aabot ang singil sa Laboratory sa mahigit P300 kumpara ngayong na umaabot
lamang sa P200.
grabe naman... kailangan ba talga every year magpa laboratory or medical check up kahit pa na regular ka na sa company moh? ang taas ng singil ang sweldo namin kunti lng naman pati na magpa x-ray kailangan ba na every year din? di ba pwede na every 3 years or 2 years para walang hustle sa work at di magasto...
ReplyDelete