Posted September 12, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Sinimulan nang pag-usapan sa Sangguniang
Panlalawigan (SP) Aklan ang pagiging regular entry at exit point ng Tabon at
Tambisaan Port sa tuwing panahon ng Habagat.
Sa ginanap na 31st SP Regular Session
nitong Myerkules, tinalakay ang endorsement letter ni Jetty Port Administrator Niven
Maquirang kaugnay sa ipinasang Resolution No. 073 ng SB Malay.
Napag-alamang matapos ang isinagawang pag-aaral ng SB
Malay sa resolusyong ini-akda ni SB Member Floribar Bautista ay ipapatupad na
ang nasabing alituntunin kung sasangayon din dito ang pamahalaang probinsyal.
Nabatid sa nakaraang SB Session na kailangan munang
ayusin ang problema sa traffic ng mga bangka sa nasabing pantalan bago ito
ipatupad.
Dapat din umanong maging handa ang Tambisaan Port
sakaling ito’y maipatupad na, dahil sa maliit lamang ang terminal area nito at
masikip ang daungan.
Samantala, layunin naman ng nasabing resolusyon na
maiwasan ang pagkalito ng mga pasahero sa
schedule ng mga byahe ng bangka sa tuwing panahon ng Habagat.
Sa ngayon ay masusi muna itong pinag-aaralan ng SP
Aklan.
No comments:
Post a Comment