Posted September 9, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Kinuha na ng kanyang pamilya ang bangkay ng isang
Japanese National na inatake sa puso habang nag-scuba diving sa Boracay nitong
Sabado.
Subali’t kinumpirma ngayon ng Department of Tourism
Boracay Sub-Office na walang pinirmahang medical waiver sa dive shop ang
biktima at wala din itong sinabi tungkol sa kanyang medical history.
Natuklasan umano kasi na may mga gamot para sa
hypertension at heart medication ang biktima sa loob ng kanyang bag.
Ayon naman sa Boracay PNP, idineklara ni Doktora
Therese Gervacio ng MDMC Clinic na Dead on Arrival na ang 65 anyos na
biktima matapos itong atakehin sa puso.
Samantala, ayon pa sa DOT, sumama naman ng may-ari
ng dive shop sa paghatid sa bangkay sa Maynila kahapon kahit wala itong
pinirmahang medical waiver sa kanila.
No comments:
Post a Comment