Posted September 10, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Muling sasailalim sa pag-aaral ng Sangguniang Bayan ng
Malay ang resolusyon na nagre-request sa Department of Health sa pag fast track
ng Boracay Hospital.
Sa SB Session ng Malay kahapon ipinasok sa incoming and
referral ang nasabing resolusyon kung saan ini-refer naman ito ni Vice mayor
Wilbec Gelito sa Committee on Laws para sa mabusising pag-aaral.
Nabatid na ang resolusyon ay iniakda ni SB Member at
Chairman ng Committee on Laws Rowen Aguirre dahil sa pagkabahala nito sa
katagalan ng ginagawang construction ng nasabing hospital.
Napag-alaman rin na mismong ang Aklan Provincial Health
Office at ang tanggapan ng Governador ay nababahala para dito.
Sa kabilang banda inaasahang magkakaroon ng public
hearing ang SB tungkol dito kung saan ipapatawag naman ang mga concern agencies
at ang mismong may hawak ng nasabing proyekto.
Samantala, hindi pa tiyak ng SB Malay kung hanggang
kaylan ito matatapos dahil sa phase 1 palang ang ginagawa sa hospital ngayon at
mayroon pang phase 2 at 3 na gagawin.
No comments:
Post a Comment