Posted September 12, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Hindi naniniwala ang mga residente ng Barangay
Balabag na sinapian ng masamang espiritu ang mga estudyanteng dinala sa
simbahan kahapon.
Ayon pa sa mga ito, pambabastos at iskandalo na sa
simbahan ang ginawa ng mga mag-aaral.
Mistula umano kasing sabog sa kung anong uri ng
ipinagbabawal na droga ang nasa apat hanggang anim na mag-aaral na unang dinala
sa simbahan.
Sinabi din ibang residente doon, gimik lang ang
paghingi ng bendisyon o pagpapadasal sa pari ang ginawa ng mga kasama ng mga
estudyante.
Nakaalis na kasi ang unang nahimasmasang mga
estudyante nang may isang grupo pang kasama ng naunang na-‘possess’ kuno ang
hinatid ng dalawang motorsiklo at nagsisisigaw pagdating sa loob ng simbahan.
Subali’t pagkalipas ng halos isang oras, lumabas ng
simbahan ang ilan sa mga nasabing estudyante at nanigarilyo habang nagtatawanan
ang ilan sa kanilang mga kaklase.
Samantala, nagulat, nagtaka, at nainis din ang
ilang matatanda doon kung bakit pasimpleng nagsi-uwian ang mga estudyante nang
may nagsabing parating na ang mga pulis.
Nakatakda namang paimbistigahan ng mga otoridad ang
sinasabing lider ng mga mag-aaral na nagdala sa kanila sa simbahan.
No comments:
Post a Comment