Posted September 12, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tinangay ng hindi nakilalang magnanakaw ang perang
nagkakahalaga ng P35, 000.00 at cellphone ng isang turista sa Boracay.
Base sa report ng Boracay PNP, nagulat na lamang
ang biktimang si Jackylyn Amarado ng Bacoor Cavite nang magisnang wala na ang
kanyang pera at cellphone na ipinatong sa lamesa ng tinutulugang kwarto.
Hindi naman matukoy ng biktima kung bakit nalusutan
siya ng nasabing magnanakaw.
Samantala, patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng
Boracay PNP at ang pamunuan ng nasabing hotel hinggil sa nangyaring nakawan.
No comments:
Post a Comment