Posted September 12, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Para sa Ecotourism projects ng bayan ng Malay, isang
resolusyon ngayon ang itinutulak ng Sangguniang Bayan.
Ito ay ang hiling na financial assistance ng SB Malay kay
Sec. Rogelio Singson ng Department of Public Works and Hi-ways (DPWH).
Nabatid na nais ng nasabing munisipalidad na pondohan ng
DPWH ang construction at development ng circumferential roads sa mainland
Malay.
Dahil dito itinalaga naman ni Vice Mayor Wilbec Gelito sa
Committee on Laws ang nasabing resolusyon para lalo itong mapag-aralan.
Napag-alaman na ang ilang kalsada sa Malay ma mayroong
Ecotourism project ay sakop parin ng National road ng DPWH.
Samantala, pinupursigi din ng LGU na mabigyang aksyon ang
ilan pang kalsada na hindi naman sakop ng national road sa bayan ng Malay na
hanggang ngayon ay hindi pa napapasemento.
No comments:
Post a Comment