Posted September 8, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Tututukan ngayon ng Bureau of Fire Protection Unit
(BFPU) ang pagkakaroon ng Fire Exit Drill sa mga establisyemento sa isla.
Ito ang sinabi ni bagong BFPU Chief Fire Inspector
Stephen Jardeleza kanina sa joint flag raising ceremony, kung saan ere-required
umano ito sa mga establisyemento at susuriin tuwing sila ay kukuha ng mga
business permit.
Anya, isa din ito sa mga hakbang upang mas na
mapaunlad ang “fire safety measures” sa isla ng Boracay lalo na’t papalapit ang
Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit 2015.
Samantala, ipinasiguro naman ni Jardeleza ang pagkakaroon
ng mga programa kaugnay sa fire safety inspection at emergency response.
Ipinaabot din nito na bilang isa sa mga dinadayong
isla sa buong mundo ay dapat siguraduhin ang kaligtasan hindi lamang ang mga
residente kundi lalo na ng mga turista na nagbabakasyon sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment