Posted September 13, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Inaprubahan na sa huli at ikalawang pagbasa ng
Sangguniang Bayan ang MoA tungkol sa mobilization ng Community Health Teams ng
bayan ng Malay.
Sa ginanap na SB Session ng Malay nitong Martes, ang
Chairman ng Committee on Laws na si SB Rowen Aguirre ang nag-aproba ng nasabing
Memorandum Of Agreement.
Aniya, ang programang ito ay sakop ng Department Of
Social Welfare and Development (DSWD), Local Government Unit at ng Department
Of Health (DOH).
Nabatid na ang pondo rito ay nagkakahalaga ng P327,
600 mula naman sa Department of Health kung saan gagamitin din ito ng
community health teams katulad ng mga isasagawang seminars, office supplies at
ang kanilang allowances.
Samantala, mismong ang mga health workers rin ng Malay
ang siyang mangunguna sa mobilization ng Community Health Teams.
Ang nasabing amount na share ng DOH sa programang ito ang
siya ring ginagamit ng existing personnel ng DSWD.
No comments:
Post a Comment