Posted September 13, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Para magkaroon ng bonding ang mga nagtratrabaho sa isla
ng Boracay, isang basketball tournament ang inorgonisa ni Mayor John Yap.
Ito ay tinawag na Mayor’s Cup 2014 kung saan tampok dito
ang mga nagtratrabaho sa isla mula sa ibat-ibang organisyon at resort sa
Boracay.
Ayon naman kay Manoc-manoc Brgy. Kagawad at isa sa
chairman ng palaro na si Loyd Maming layunin umano nito na mabigyan ng
pagpapahalaga ang mga nagtratrabaho sa isla.
Nabatid na ito ang kauna-unahang palaro ng alkade sa
Boracay na ang mga kasali ay mula sa ibat-ibang resort at restaurant kasama na
ang Philippine Red Cross at Boracay Island Water Company (BIWC).
Samantala, ang nasabing Mayor’s Cup ay magsisimula
ngayong araw ng Lunes na gaganapin sa Brgy. Manoc-manoc covered court.
Napag-alaman na isang magarbong awarding rin ang
naghihintay para sa lahat ng mga sumali at sa mananalo kung saan may inihandang
kasiyahan ang Alkalde.
No comments:
Post a Comment