Posted September 11, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Isang Korean National ang boluntaryong sumuko
kaninang madaling araw sa himpilan ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC).
Nabatid na may warrant of arrest ang nasabing
Koreano na inisyu ng 6th Judicial Region, Branch 4 ng Kalibo Aklan dahil
sa kasong paglabag sa illegal gambling law.
Dakong alas sais naman kanina ng madaling araw matapos
isagawa ang medical check-up sa Boracay Hospital ay dinala na sa bayan ng
Kalibo ang Koreano para sa kaukulang disposisyon.
Samantala, wala namang impormasyon sa ngayon kung
kailan magpapyansa ng 20, 000 pesos ang koreano para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
No comments:
Post a Comment