Posted September 12, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Naalarma ngayon ang pamunuan ng Manoc-manoc
National High School tungkol sa mga estudyanteng sinapian umano ng masamang
espiritu kahapon.
Bagama’t tumanggi munang magbigay ng opisyal na
pahayag, sinabi ng tagapagsalita ng eskwelahan na iniimbistigahan na nila ang
mga mag-aaral na tumulong sa mga biktima.
Napag-alamang hindi na rin pumasok sa klase ang
ilan sa mga ito.
Magkaganon paman, ikinuwento umano ng mga mag-aaral
na-possess o sinapian nga ang kanilang kasama.
Samantala, sinabi pa ng eskwelahan na wala silang
ideya tungkol sa pag-excursion umano ng mga mag-aaral sa bayan ng Nabas bago
nangyari ang insidente.
Magugunitang apat hanggang anim na mag-aaral ng Manoc-manoc
National High School ang isinugod sa Holy Rosary Parish Boracay sa paniniwalang
sinapian ang mga ito ng masamang espiritu.
Magugunita ring hindi naniwala ang karamihan sa mga
taga Barangay Balabag na sinapian ang mga estudyante at sa halip nagalit pa
dahil sa iskandalong ginawa nila sa simbahan.
No comments:
Post a Comment