Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay
Dahil sa patuloy na pagdagsa ng turista sa isla ng
Boracay, ibinida ngayon ng Jetty Port Administration ang mga pagbabago sa
Cagban Jetty Port.
Ayon kay Special Operation III Jean Pontero ng Caticlan
Jetty Port, maraming idadagdag na pasilidad para sa ikakaganda ng nasabing pantalan
kung saan inaasahang mauumpisahan sa 2nd quarter ngayong taon.
Kabilang na umano dito ang proyektong Public CR ng
Provincial Government na ilalagay mismo malapit sa gate ng pantalan, pagpapalapad
ng rump, pagpapasemento sa parking area at paglalagay ng Kanope.
Aniya, ilan lamang umano ito sa mga inaasahang ipapagawa ng
Port Administration at ng gobyerno ng Aklan para sa pagpapaganda ng Cagban Jetty
Port.
Sa kabilang banda hindi lamang umano ang nasabing
pantalan ang bibigyang pansin dahil magkakaroon din aniya ng pagbabago ang Caticlan
Jetty Port.
Isa na rito ang pagpapalaki at pagpapaunlad ng daungan para
sa mga Roro vessel, nang sa gayon ay mas mapabilis ang operasyon.
Napag-alaman na natatagalan ang operasyon sa naturang pantalan
dahil sa kailangan munang antaying makaalis ang isang barko at saka naman makakadaong
ang isa pa.
Samantala, nakapagtala naman ang Jetty Port ng mahigit
21, 888 na mga turistang pumunta sa Boracay simula noong March 1 hanggang March
6 ngayong taon.
No comments:
Post a Comment