Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Dalawa na namang International cruise ship ang nakatakdang
bumisita sa isla ng Boracay ngayong buwan ng Marso.
Ayon kay DOT Boracay Officer In-charge Tim Ticar, ang Costa
Atlantica ang unang dadaong sa petsa-onse at ang MS Europa 2 naman ang susunod
sa petsa a-bente ngayong buwan ng Marso.
Inaasahang mahigit sa 2,500 na mga pasahero ang sakay ng
mga ito na mag a-island tour sa isla ng Boracay.
Nabatid na ito na ang pangatlong balik ng MS Europa 2 sa
Boracay kung saan nauna na itong dumaong sa isla noong Enero a-nueve at Febrero
17.
Sa kabilang banda isa sa tinitingnan problema ngayon ng
DOT ay sa tuwing low tide kung saan ay nagsisiksikan ang mga bangka sa
Cagban Port, dahilan ng pagka-antala ng
mga pasahero dahil sa mabagal na operasyon ng mga ito.
Sinabi naman ni Ticar, na malapit nang masimulan ang
pagsasaayos ng nasabing pantalan na malaking tulong para sa lahat ng mga
turistang palabas at papasok ng isla ng Boracay.
Samantala, inaasahan naman ng Caticlan Jetty Port Administration
na magiging pangunahing cruise destination ang isla ng Boracay dahil sa patuloy
na pag-tour ng mga ito sa isa sa mga sikat na isla sa buong mundo.
No comments:
Post a Comment